Friday, December 14, 2012

Modyul 18 Banghay Aralin


BANGHAY ARALIN
Pangkalahatang Impormasyon
May Akda
 Hindi inilahad
Pamagat ng Aralin
Mga Ideolohiyang Lumaganap sa Daigdig
Pamamarati
 45 minuto
Lugar
 Silid Aralan
Asignatura/Paksa
Araling Panlipunan III
Antas
 Ika-siyam na baitang
Layunin at Pagsusuri
Mga Layunin
  • Mailalahad ang mga ideolohiyang sinusunod ng mga bansa;
  • Maipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng puwersang demokrasya at komunismo sa kalagayan ng mga tao;
  • Maiuugnay ang mga puwersang pangkabuhayan sa kalagayang pulitikal ng bansa; at
  • Mapahahalagahan ang makatwiran at bukas na isipan ng mga bansa lalo na ang Pilipinas sa pagpili ng mga ideolohiyang yayakapin.
Pagsusuri
  • Pag-oobserba sa pagsusuri ng may kaukulang gabay
  • Panulat na Pagsusulit
  • Kasanayang Pagsusulit
  • Takdang Aralin
Paghahanda
Kagamitan/ Sangunian
  • Kopya ng aralin at mga larawan
  • Mga materyales tulad ng makukulay na panulat at mga papel
  • Modyul 18 Mga Ideolohiyang lumaganap sa Daigdig
Dahilan ng pag-gamit nito ay: Upang maunawaan ng lubusan ang mga paksa at mga aralin na tatalakayin at upang mas maunawaan ng husto ang bawat pangyayari.
Paghahandang Mag-aaral
·  Ang mga mag-aaral ang magdadala ng mga materyales na gagamitin tulad ng makukulay na panulat at mga papel.
·   Nararapat din na magdala ng mga larawan na patungkol sa paksa na tatalakayin. Tulad ng mga tauhan na mababangit sa Modyul na ito.
·    Marapat lamang na magkaroon ng maagang pag-alam ang mga mag-aaral sa paksa upang magkaroon sila ng iba’t ibang ideya na mailalahad sa klase.
Paghahandang Pan-Guro
·    Marapat na may kasanayan sa paglalahad ng tamang istorya at pangyayari sa klase
· May anking galling sa pagtuturo lalo pa’t itoy isang asignaturang pangkasaysayan kaya’t ang guro ay dapat na masiguradong maituturo ng maayos at aktibo sa klase ang bawat aralin at paksa.
Pamamaraan
Gawaing Mag-aaral
  • Sa bawat talakayan at sa bawat paksa, ang klase ay hahatiin sa apat na grupo na kung saan sila’y maaaring magbahagi ng mga nalalaman at ideya sa loob ng kanilang grupo. Ang bawat grupo ay hindi kinakailangan na may pinuno, basta’t lahat ng miyembro ng grupo ay pantay pantay at malayang makapag lalahad ng kanilang mga ideya at opinyon sa bawat talakayan upang lahat ay maging aktibo sa paghahandang ito.
  • Ang bawat grupo ay bubuo ng isang (flow chart) ng mga pangyayari o mga kaganapan sa paksa na ito. Simula’t sa simula ng pag-pasok ng ideolohiya sa Daigdig at ang mga epekto nito sa demokrasya at komunismo na kalagayan ng mga tao. At kung ano ang sa tingin ng grupo na ideolohiyang dapat yakapin ng mga Pilipino sa panahong ito.
  • Matapos na gawin ang tsart ay ididikit sa pisara ang gawa ng bawat grupo. Pagandahan ng dekorasyon sa makulay na papel at tsart ang basehan. At ang pinaka mahalaga sa lahat ay kung paano ng grupo ipapaliwanag ang bawat detalye na kanilang sinulat at ginawa. Ang pagpapaliwanag ay hindi lamang sa isang miyembro ng grupo, kundi marapat lamang na lahat ng myembro ay dapat na mag-salita sa harapan at magpaliwanag ng kanyang opinyon sa harap ng klase.
Gawaing Guro
  • Gabayan ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sitwasyon o pag-papaliwanag ng sitwasyon ng maayos base sa paksa o aralin.
  • Bigyan ng direksyon ang mga estudyante kung anu-ano ba ang dapat nilang ilagay sa tsart na kanilang gagawin at kung paano nila uumpisahan ang pagsasama-sama ng kanilang opinyon at ideya sa kanilang grupo.
  • Tulungan ang mga mag-aaral sa pagresolba ng mga katanungan sa kanilang kaisipan
  • Magtanong upang matiyak na ang mga estudyante ay totoong nakikinig at nais na gumawa sa loob ng kanilang grupo.
  • Tanungin sila ng patungkol sa paksa o aralin upang mabigyan sila ng iba pang ideya.
o   Anu-ano ba ang ideolohiya na lumaganap sa ating bansa?
o   Anu-ano ba ang ginampanan ng pwersang demokrasya sa kalagayan ng mga tao?
o   Anu-ano ba ang ginampanan ng pwersang komunismo sa kalagayan ng mga tao?
o   Ano ba ang naidulot ng mga ideolohiyang ito sa pang-araw araw na buhay ng isang tao?
o   Kung kayo ang papapiliin, anong ideolohiya ang yayakapin at tatangapin mo?

                                                                            
                                                                            
Inihanda Nina:


DIVINE P. ANSALE
BERNARDINO CRUZ
                                                                             (Mga Guro)




Iniwasto ni:


SHERYL R. MORALES, Ph.D
Punung-Guro



'
Takdang Aralin:

Panuto:  Itala sa talahanayan sa ibaba ang mga katangian ng demokrasya at komunismo.


DEMOKRASYA


KOMUNISMO




B. Alin sa dalawang ideolohiyang sinuri mo ang paniniwala mong dapat mong itaguyod?
Ipaliwanag mo kung bakit.

Panulat na Pagsusulit:

1. Sino ang HINDI kabilang sa pangkat ng mga lider ng Komunismo sa
Rusya?

A. Nicolai Lenin
B. Karl Marx
C. Joseph Stalin
D. Leon Trotsky


2. Ayon sa kaisipang komunismo, ang mga manggagawa ang siyang magiging
tagapamalakad ng pamahalaan at magbibigay daan sa pagwawakas ng:

A. awtoritaryanismo
B. fascismo
C. kapitalismo
D.monarkiya

3. Ano sa palagay mo ang kaisipang hindi gaanong naaapektuhan ng anumang
ideolohiya?

A. Pampulitika
B. Pangkabuhayan
C. Pangsining
D. Panlipunan


4. Sa ilalim ng isang demokratikong bansa, ang pakikilahok ng mga mamamayan
sa pagpili ng mga pinuno ay maaaring:

A. Check and Balance
B. Natatakdaan at Di-natatakdaan
C. Tagapagbatas at Tagapagpaganap
D. Tuwiran at Di-tuwirang pagboto


5. Ang bawat bansa ay may sinusunod na ideolohiya, alin sa mga sumusunod na
tambalan ng ideolohiya at bansa ang HINDI magkatugma?

A. Demokrasya - Timog Korea
B. Komunismo – Tsina
C. Monarkiya – Inglatera
D. Totalitaryanismo – Hapon


6. Kung ating susundin ang kaisipang komunismo, ang mga manggagawa ang
magiging tagapamahala at ito ang magpapahina at tuluyang tatapos sa:

A. Fascismo
B. Kapitalismo
C. Monarkiya
D. Totalitaryan


7. Ang tanggapang ito ay kailangan magkaroon ng maliit o limitadong saklaw sa
ekonomiya ng isang bansa at patuloy na umunlad ang mga namumuhunan sa
kalakalan.

A. Dayuhang Bangko at Institusyon
B. Korte Suprema
C. Militar
D. Pamahalaan


8. Sa mga lider komunista sa Rusya, sino sa apat na ito ang HINDI kasali?

A. Nicolai Lenin
B. Karl Marx
C. Joseph Stalin
D. Leon Trotsky


9. Ang demokratikong pagpili ng sambayanan sa mga pinuno ng bansa ay
maaaring isagawa sa pamamagitan ng:

A. Check and Balance
B. Natatakdaan at Di-natatakdaan
C. Tagapagbatas at Tagapagpaganap
D. Tuwiran at Di-tuwiran


10. Alin sa mga sumusunod na aspeto ng ideolohiya ang HINDI kasama batay sa
mga nabasa at natutunan mo sa ating mga aralin?

A. Ideolohiyang Pampulitika
B. Ideolohiyang Pangkabuhayan
C. Ideolohiyang Pangsining
D. Ideolohiyang Panlipunan


11. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa mga prinsipyo ng
Nazismo na nakapaloob sa Mein Kamp maliban sa:
A. Pagbuwag sa kasunduan sa Versailles sanhi ng mga suliranin sa
Alemanya.
B. Pagtatatag ng diktadurya ng mga manggagawa na tatayong mas
makapangyarihan sa pamahalaan.
C. Pagwasak sa Republika at pagtatatag ng Third Reich na isang estadong
totalitaryan ng Nazismo.
D. Paniniwala ng mga Aleman na sila ang pangunahing lahi sa mundo – mga
Aryano

12. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang HINDI kabilang sa prinsipyo ng
Komunismo?
A. Ang manggagawa ang supremo sa pamahalaan.
B. Lubos na paghihiwalay ng simbahan at Estado.
C. Pagpapalakas ng mga mangangalakal sa pribadong negosyo.
D. Pagwawakas ng kapitalismo.


13. Ang mga sumusunod na tugma ng bansa at ideolohiya ay tungkol sa katangiang
sinusunod ng bawat isa MALIBAN sa:

A. Estados Unidos-Demokrasya
B. Pilipinas-Totalitaryanismo
C. Thailand-Monarkiya
D. Vietnam-Komunismo


14. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa prinsipyo ng komunismo
maliban sa:
A. Pagbibigay-daan sa paghina at tuluyang pagkawala ng mga kapitalista sa
ekonomiya.
B. Paghihiwalay sa kapangyarihan ng Estado at Simbahan.
C. Pagkilala sa mga manggagawa bilang pinakamakapangyarihan sa
pamahalaan.
D. Pagsusulong sa kapakanan ng mga mangangalakal sa lipunan at
pampamahalaan.

15. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa pagsilang ng Fasismo
sa Italya, maliban sa isa:
A. Kawalan ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo tulad ng
pagkain at gamot.
B. Mahinang mga pinuno na hindi makatugon sa mga suliranin ng bayan.
C. Negatibong dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa pamumuhay ng
mga Italyano.
D. Pagpapahirap sa milyong Hudyo na nanirahan sa Europa.

Gabay sa Pagwasto

1. B
2. C
3. C
4. C
5. D
6. B
7. D
8. B
9. D
10. C
11. D
12. B
13. B
14. D
15. D